Birdshot Movie Review


Birdshot Film Review

Ang “Birdshot” ay pelikula ni Mikhail Red na pinagbibidahan ng mga mahuhusay at talentadong aktor na sina John Arcila, Arnold Reyes, Manuel Aquino, at  Mary Joy Apostol.

Plot
Patok na patok yung kwento ng pelikula, kakaiba at napakainteresante.

Sa unang part palang ng pelikula, makikita na natin yung dalawang pulis na sina Mendoza (na ginampanan ni John Arcilla) at Domingo (na ginampanan ni Arnold Reyes) na iniimbestagahan yung misteryosong pagkawala ng bus kung saan nakasakay ang mga magsasaka papunta sanang Maynila. 
Pero dahil sa utos  ng mga nakatataas,  na, I think sila yung may pakana sa pagkawala ng nasabing bus, they were told to forget about the case and rather,   magfocus na lang sila sa panibagong kasong binigay sa kanila  at yun ay ang pagkawala ng isa sa mga endangered Philippine Eagle.

Sa isang part naman ng pelikula, makikita naman natin yung mag-ama.
Si Maya (na ginampanan ni Mary Joy Apostol) ay tinuturuan ng kanyang amang si Diego (na ginampanan ni Manuel Aquino) kung paano mag-hunt para makaya nyang mabuhay mag-isa kung sakali mang wala na yung tatay nya. Makailang beses ding nabanggit ng tatay nya sa kanya na wag na wag daw pupunta o lalagpas sa harang (border) pero hindi nya sinasabi yung dahilan kung bakit. But think about it, what if sinabi na lang ng tatay nya sa kanya (kay Maya) yung dahilan kung bakit hindi sya dapat pumunta sa harang. Eh di sana, walang nagyaring pamamaril ng Philippine Eagle,… eh di sana tapos na yung kwento ng pelikula.
However, maiisip mo rin na siguro may iba pang alam yung tatay nya bukod sa Philippine Eagle.  Siguro kaya ayaw niyang papuntahin ang anak nya   sa harang kasi may alam siya tungkol sa naganap na massacre na ipinakita sa huling bahagi ng pelikula.
Si Maya, siguro dahil gusto nyang may mapatunayan sa sarili, pumunta sa harang,  sa loob ng Philippine Bird Sanctuary at napatay ang isang Philippine Eagle na wala man lang kaalam-alam na ito pala ay protektado ng Gobyerno.


Isa sa pinakahinangaan ko sa pelikulang ito ay kung paano pinag-dikit dikit, pinag-dugtong dugtong yung kwento. Hindi sya ni-rush, talagang pinag-isipan ang bawat scene. At yung twist sa huling part ng pelikula, mapapa-wow ka nalang talaga. May epektong  naiiwan sayo, at masasabi mo nalang sa sarili mo na “Aahh, ganyan pala yung nangyari” o kaya naman “Akala ko tapos na, akala ko hindi na masosolve yung kaso tungkol sa nawawalang bus pero WOW, ang galing.”  Yung kahit na expected mo na may mangyayari pa but then it surprised you, it just came out the right time. Then the film turned out awesome.
At gusto ko lang pag-usapan yung ending, which is para sakin ah, ito talaga yung nagdala sa buong pelikula.  Nung pinakita na yung massacre sa ending pelikula, maalala agad natin, ng bawat isa sa atin ang nangyaring  Maguindano Massacre kung saan natagpuan ang mga bangkay  na nakalibing sa lupa kasama ng kanilang sasakyan. Ang galing lang ng nagsulat ng pelikulang ito kasi sino ba naman ang makakapag-isip na pwede mo palang maitago ang mga bangkay sa “loob ng Philippine Bird Sanctuary” - sa lugar kung saan alam mong walang taong maghahanap. I think that’s really clever. Para sa isang kidnapper, isa yang napakagandang ideya.

May mga konting tanong lang ako  sa pelikula tulad na lamang ng kung sino yung humahabol kay maya sa loob ng Philippine Sanctuary matapos nyang mabaril yung Philippine Eagle, kung sino ba yung lalake may red hood, or is it the scarecrow, at bakit sinusundan sya nito. Ayun lang naman yung mga medyo nagpa-confused sakin.


Acting
Lahat naman sila, mahusay na ginampanan ang kanya- kanyang karakter.  
Si John Arcilla na gumanap bilang Mendoza ay walang kupas pa rin sa kanyang galing umarte, sa kanyang husay at ganun din naman sa mga kasama niyang aktor na sina, Arnold Reyes at Manuel Aquino pati na rin si Mary Joy Apostol na although baguhan palang sa pag-a-acting, nagampanan ng mahusay ang kanyang karakter bilang si Maya.
There’s just this one scene that I hate, it was when the Hepe tore the police report of Arnold Reyes which is I think pretty annoying. But the all throughout the film, I think the acting was flawless.


Overall
I think we can all agree that Birdshot was a really great movie. Mahusay ang pagkakasulat, mahusay ang pagkaka-arrange at pagkakadugtong-dugtong ng kwento.

Ngayon, eto naman ang mga real concerns na iniwan sa atin ng pelikula.
1. Ilang matitino at mabubuting pulis kaya ang nasa serbisyo ngayon. Ginawaga kaya nila ng maayos ang kanilang trabaho.
2. Ilang agila nalang kaya ang natitira sa Pilipinas.
3. Ilang kaso pa kaya ang hindi pa nareresolba magpahanggang ngayon.



So, yeah, that’s it.  I really enjoyed this movieKayo nagustuhan nyo ba?

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Patay na si Hesus Movie Review

Respeto Movie Review