Respeto Movie Review

Respeto Movie Review
Nung una ko talagang napanood yung trailer para sa pelikulang ito, para sa pelikulang Respeto, agad kong naisip yung pelikula ni Eminem na ‘8 Miles’. Tapos naisip ko, aaaah, baka naman puro lang tungkol sa pag-ra-rap. Baka naman n katulad din Eminem, may pangarap din yung bida sa kwentong ito na manalo sa isang rap battle, maging champion sa underground rap battle. Syemre dahil dun, inexpect ko na, na magiging maangas yung mga rap sa pelikulang ito. Lalo na nung pinakita si Abra at si Loonie.  Inexpect ko na na mabibilis saka may laman talaga yung mga rap na gagamitin sa pelikula. Parang Fliptop ganun. So yeah, let’s get started.

Ang pelikulang Respeto ay isang independent drama film sa direksyon ni Treb Monteras II, starring Abra, Loonie, Chai Fonacier, and the guy na kasama nila na honestly hindi ko kilala. It is mainly about this kid named Hendricks. Andami nyang problema sa buhay, pero pangarap na pangarap nya talagang maging isang rapper, isang respetadong rapper. Gusto niyang makipagsabayan  sa mga bihasa na talaga sa pagrarap lalo na sa mga underground rap battle hindi gaya nya.

Plot
Ang galing lang ng pelikulang ito kasi andami ng tinalakay nilang issue na talagang nakapagcontribute sa pelikula, naging flesh and bones kumbaga ng pelikula. Tinalakay dito issue ng war on drugs, kung saan makikita mo dun yung mga pinapatay dahil sa illegal na droga, tapos iniiwan lang na nakalutang sa  may kanal or ilog yung bangkay na pinatay. Tinalakay din yung kahirapan, kung saan yung mga taong nakatira ayaw ipademolish yung bahya nila, inatake pa nga yung mga magdedemolish sana ng bahay, pinagbabato ng tae, ihi. Binigyan din ng pansin yung tungkol sa balagtasan, may scene dun kung saan nagbabalagtasan na katumbas din ng rap battle sa panahon natin ngayon. Pinagtatalunan kung alin ang mas maganda, mas mahusay, which one is better, kumbaga, yung old school poetry ba o yung modern poetry. Tinackle din yung mga corrupt na pulis.  At lastly, binigyan ng pansin yung mga pangarap ng kabataan. Sobrang nakakamangha lang kung paano nagawang pagsasamahin yung mga issue, kung paano binigyan ng pansin, at mas lalong nakakatuwa kung paano ito nakapagcontribute sa kwento. 
Saka ang ganda nung pakakawento sa pelikula. Ang galing, kasi parang yung buong pelikula ay tula. Yung simula ya kung saan makikita natin si Abra na nagrarap, tapos yung napakabigat, napaka-tragic, but at the same time napakagandang ending ng pelikula kung saan nahuhulog yung mga pahina ng libro , ang talino. Kung sino man nagsulat nito, kung sino ka man po, saludo po ako sayo.

Cast
                Pag-usapan naman natin yung mga aktor sa pelikula.
Ang gagaling ng mga actor na kasama sa pelikula, malulupit. Ramdam mo kasi sa pelikulang ito na parang totoo. I mean , the movie felt so real. Kasi bukod sa setting na totoong kapani-paniwala, siguro, dun nga talaga sa shinoot yung pelikula, pero yung kabuoan kasi, yung cinematography, yung lighting, yun yung nagpadagdag sa pagiging makatotohanan ng kwento. Pati yung acting, kudos sa mga aktor na nakasama sa pelikula, ang gagaling, kapaniwala talaga. Like 100% na mapapaniwala ka. Wala kang mapapansing actor na parang pinipeke yung acting nila. Parang pinakilala ka talaga sa bawat karakter ng pelikula.
Para sakin yung nag-standout talaga, yung binigay yung best nya dito sa pelikulang ito,  yung matanda na gumanap bilang doktor. Ang galing, sobrang ginalingan nya.  Sya yung gumanap na isang dating makata na andaming pinagdaanan sa buhay. Mapapaniwala ka talaga sa kanya, mararamdaman mo talaga yung mga dinadala nya. Malalaman mo agad na andami nya nang pagsubok na hinarap sa buhay nya.
                Si Chai Fonacier, ang galing din nya. Napanood ko siya sa pelikulang Patay na si Hesus (mas nauna ko pa nga yung panoorin eh). Ang galing  lang mapapatanong ka na lang kung tomboy ba talaga sya. Kasi sobrang galing ng acting. Dito sa pelikulang ito, ang heavy ng role nya, tapos dun sa isa (sa Patay na si Hesus) ang light naman, talagang ang galing, sobra. Nagustuhan kong scene nya sa pelikulang ito, ay nung kumanta sya ng bisaya ata yon. Ang sarap lang pakinggan.
At, syempre, makakalimutan ba natin si Abra na gumanap bilang  Hendricks, ang galing galing nya, pare. Maaawa ka din sa kanya. Yung kahit na minsan alam mong mali  na yung pinaggagawa nya, maiintindihan mo talaga kung bakit nya ginagawa yun, mafefeel mo talagang mabait na bata sya sa loob loob nya. Yung mga kaganapan lang talaga  sa buhay nya yung pumupwersa sa kanya para gawin yung mga bagay na ayaw nya naman talagang gawin.

Overall
                Napakaganda, napakatalino, napakaangas ng pelikulang ito. Ang gagaling ng mga aktor, ang galing ng pagkakasulat, ang galing galing ng pakakawento, ang galing ng  buong movie. So far, wala naman akong hindi nagustuhan sa pelikulang ito. Sa sobrang galing ng pelikulang, hindi na talaga ako nagtataka na andaming nahakot na awards sa Cinemalaya.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Patay na si Hesus Movie Review

Birdshot Movie Review