Patay na si Hesus Movie Review

Patay na si Hesus Film Review
Sa totoo lang, nung una ko talagang makita yung title ng pelikula at dahil hindi ako nagresearch, akala ko talaga drama sya about kay Jesus, na about sa religion yung pelikula, but then I learned that it was not, na comedy pala siya, that it has nothing to do with religion. So, yeah, umpisahan na natin.

Plot
Patay na si Hesus was directed by Victor Villanueva starring Jaclyn Jose,  Chai Fonacier (na napanood ko din sa pelikulang ‘Respeto’ ni Treb Monteras II), at yung dalawang actor na kasama nila, na honestly hindi ko talaga kilala, sorry, pero they were good actors naman. Kaya pala patay na si Hesus yung pamagat ng pelikula kasi it’s about their journey to attend the wake of Iyay’s estrange husband, their father, na nagngangalang Hesus.


Ang pelikulang Patay na si Hesus, para sakin, ginawa sya para patawanin lang talaga ang manonood. Para sakin kasi there were some irrelevant scenes na nilagay lang to make the story more interesting.
Isa sa mga nagustuhan ko sa pelikula ay yung linggwaheng ginamit. Isa sya sa mga nagpapdagdag or should I say, naging main flavor ng pelikula. Kasi, look, mostly bisaya yung ginamit na linggwahe na para sakin, mas nakakatawang pakinggan, mas may impact, mas may dating. Yung linya ni Jaclyn Jose kung saan sinabi nya yung mga katagang ‘Pisting Yawa’ which was actually to imply na galit or naiinis sya and it was actually a cursing, katulad ng mga salitang ginagamit natin tuwing magmumura tayo, we found it really funny since it was delivered in bisaya.
At kahanga- hanga rin yung mga actor na maayos na nag-aral kung paano mag-salita ng diretso sa bisaya. Mapapansin mo talagang tuloy-tuloy nilang na-ideliver yung linya nila sa bisaya, flawless kumbaga.
Nagustuhan ko rin yung closeness nila bilang pamilya, eventhough, yung iba sa kanila ay baguhan palang sa industriya. They really displayed a lot of closeness and  familiarity towards each other.
Nagustuhan ko yung road trip nila, it was funny even though, ayun nga, there were irrelevant scenes na, I think, wala namang nain-contribute sa naging wakas ng kwento.
Nagustuhan ko rin yung mga asaran nilang mag-pamilya, yung mga bangayan nila, yung kung paano ginagaya ng Jay yung linya ni Jaclyn Jose, na para sa akin, ang dating sakin nakakatawa. Pero, they still respect their mother kahit na minsan parang kaibigan trato nila sa kanya (Jaclyn Jose).
Nagustuhan ko rin yung kantang ginamit sa pelikula, I think nakadagdag sya sa pagiging funny nung pelikula lalo na nung isiningit sya dun sa time na nagbreak-up si Chai Fonacier tapos yung girlfriend nya. Natawa talaga kami dun.
Nagustuhan ko rin ginawa nilang naming o pagpapangalan sa aso nila, he was called ‘Hudas’ which obviously mas mahal pa nila kesa sa tatay nila if you’ve already watched the movie. Nakakatawa lang kasi sobrang  mahal nila yung aso kesa sa tatay nila to the point na iniyakan nila yung aso nung nasagasaan at the end of the movie samantalang yung tatay nila, na kahit nakita na nila sa kabaong, parang wala lang, hindi sila umiyak.

Yung naging downside naman ng pelikulang ito para sakin, is that there underdeveloped and unresolved issues na nilagay lang para, I think, para mas gawing interesting yung pelikula. May break-up na nangyari dahil may third party palang involve sa relasyon ng anak ni Iyay (Jaclyn Jose) na si Judith Marie or Jude (Chai Fonacier), may scene na pinakitang may nabuntis yung si Jay na hindi naman pinakita sa pelikula kung pinanagutan nya ba. And then there’s this irrelevant scene kung saan may sumama sa kanila, sa roadtrip nila na madre, na kinalaunan umalis din naman. Para sakin, bakit pa? Bakit pa? I mean, what’s the point of her character? Ano kinontribute niya sa conclusion ng pelikula.
Pero ayun, para sakin isa pa sa mga nagdala sa pelikula yung acting mismo nila. Ang gagaling nilang actor lalo na sa mga baguhan palang sa industriya.
I would like to shout out  nga pala kay Chai Fonacier na nasa pelikula rin ng Respeto. Sa film na yun tomboy din sya, pero yung pinagkaiba nila , is, dito sa pelikulang ito sobrang funny nya  compared dun sa isang pelikula, sa pelikulang Respeto , na serious yung character nya. I think, makikita mo talaga na flexible sya pagdating sa acting, na kaya nya rin yung seryosong karakter bukod sa pagpapatawa.

Overall
Patay na si Hesus is a really good movie, mapapatawa ka, tapos mapapaluha ka sa sobrang funny ng movie. Lalo na yung ending,  mapapatawa ka talaga ng malakas. There’s was some problems about the storytelling but I think okay lang naman yun.

If I were to recommend to a friend, I would say na magsama sila ng kaibigan para may kasama silang tumawa, mas madama nila yung goodvides na ibinibigay ng pelikula.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Birdshot Movie Review

Respeto Movie Review